‘Buhay, healthy, at in good spirits’ si ex-Speaker Sonny Belmonte, ayon kay Mayor Joy Belmonte
Si Sonny Belmonte ay nagsilbi bilang representante ng District 4 ng Quezon City, Mayor ng lungsod, at House Speaker ng 11th, 15th, at 16th Congress
Paalala ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na huwag magpakalat ng maling impormasyon
(2-min. read)
Buhay, healthy, at in good spirits si SB
Ayon sa kumakalat na pahayag, si dating House Speaker Sonny Belmonte raw ay yumao na. Ito ay mariing pinabulaanan ng kanyang anak na si Quezon City Mayor Joy Belmonte. Sa isang official statement na inilabas noong Agosto 4, 2022, sinabi ni Mayor Joy na walang katotohanan ang kumakalat na balita kasabay nito naglabas din si Mayor Joy ng litrato ng kanyang ama.
“There is absolutely no truth to this alleged 'Breaking News' item. By God's Grace, my father is alive, well, and in good spirits. I can assure everyone that my dad is perfectly healthy."
Ani pa niya, nakadalo pa umano si Ex-Speaker Sonny Belmonte sa burol ng yumaong dating presidente Fidel V Ramos noong araw din na iyon.
Sino si Ex-Speaker Sonny Belmonte?
Si Feliciano Belmonte Jr o mas kilala bilang “Sonny” Belmonte ay naluklok bilang house representative ng District 4 ng Quezon City at nagsilbi bilang congressman ng distrito sa 3 magkakasunod na termino mula 1992 hanggang 2001. Taong 2001 nang si Sonny Belmonte ay nagsilbi bilang House Speaker habang siya rin ay nagserbisyo bilang lider ng minorya ng 11th Congress.
Matapos ang termino bilang kongresista, tatlong beses nanalo si Belmonte sa eleksyon bilang Mayor ng Quezon City at nagsilbi dito taong 2001-2010. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, hinirang na kabilang sa Top 10 Asian Cities of the Future ng London Financial Times ang Quezon City.
Noong 2010 national elections, muling nanalo sa pagka-kongresista ng district 4 Quezon City si Belmonte at nakatanggap ng endorso mula sa liberal party para sa House Speakership ng 15th Congress. Siya ay muling naluklok sa nasabing posisyon at namuno hanggang sa 16th Congress sa ilalim ng Administrasyong Aquino.
Taong 2018 nang nag-resign si Belmonte mula sa Liberal Party para paghandaan umano ang kanyang “quiet retirement” sa politika habang tinatapos nito ang kanyang termino bilang kongresista. Samantala, noong 2019 itinalaga bilang special envoy to Japan si Belmonte ni dating presidente Duterte.
Paalala sa Publiko
Dahil sa kumalat na balitang pagpanaw ni ex-Speaker Sonny Belmonte, muling pinaalalahanan ni Mayor Joy ang kanyang pinamumunuan na mag-ingat at wag magpakalat ng mga maling impormasyon. Bagkus hinikayat niya ang kanyang nasasakupan na itama ang mga mali at walang basehang mga balita sa social media. Bukod dito, pinanukala ng mga kongresista ang House bill no. 2971 na magpapataw sa paggawa at pagkalat ng fake news bilang isang krimen.
SOURCES
[1]https://www.philstar.com/nation/2022/08/04/2200312/ex-speaker-belmonte-debunks-rumors-death
[2]https://www.philstar.com/headlines/2022/08/05/2200445/belmonte-family-denies-ex-speaker-has-died
[3] https://www.cnnphilippines.com/news/2022/8/5/Sonny-Belmonte-health.html
[4] https://twitter.com/QCMayorJoy/status/1555161844947361793
[7] https://ph.news.yahoo.com/duterte-names-former-house-speaker-110459988.html
[9] https://legacy.senate.gov.ph/press_release/2010/0520_roxas1.asp
[10]https://docshare.tips/backgrounder-on-house-speaker-belmonte_5790c688b6d87fd7b48b457d.html
[11] https://ph.news.yahoo.com/belmonte-elected-house-speaker-anew-043143940.html
[13]https://www.philstar.com/headlines/2008/01/17/39083/qc-ranks-among-top-10-asian-cities-no-1-rp
[15]https://www.rappler.com/nation/214194-sonny-belmonte-resignation-liberal-party-retirement-politics/
[16]https://www.cnnphilippines.com/news/2022/8/8/house-bill-criminalize-fake-news.html
[17]https://www.sws.org.ph/swsmain/artcldisppage/?artcsyscode=ART-20220225130129
Jerwin
Mar 29, 2023 10:38 pm
Huwag maniwala at magkalat ng fake news lalo sa mga sensitibong bagay katulad ng tao na yumao na pero hindi naman pala totoo. Ingat sa paggamit ng social media at maging responsableng user nito
Aaron
Apr 03, 2023 04:34 am
Paalala ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na huwag magpakalat ng maling impormasyon at sa mga nag papakalat ng mga maling impormasyon alam nyo naman na may ka ukulang parusa kapag ikaw ay nahuli o nalaman nilang nag papakalat ng fakenews o naninira ng kapwa
Carlo
May 29, 2023 09:17 pm
Wag mag kalat ng maling impormasyon lalo nat hindi katotohanan
Jade
Jun 07, 2023 07:34 am
Fakenews lang ito dahil buhay pa ang Quezon City Mayor Joy Belmonte wag na wag mag papakalat ng fakenews lalo na kung tungkol sa buhay ng tao pero sabagay hindi naman natin ito maiiwasan pag dating sa politiko
Naitan
Jun 10, 2023 03:10 pm
hindi totoong patay na si Quezon City Mayor Jay Belmonte walang katotohanan ang kumakalat na balitang ito
Page 1 of 7.8