FALSE: Ayon sa BSP, laman ng GCash, mawawalan daw ng halaga kapag tinupi ang phone na meron nito?

July 26, 2022



  • Ayon sa isang viral post, sinabi daw ng BSP na mawawalan ng halaga ang laman ng GCash kapag tinupi mo ang smartphone na mayroon nito. 
  • Walang mahahanap o makikita na pahayag mula sa BSP na ayon sa claim
  • Ang post ay satire lamang, at wala itong katotohanan.

(2 min. read) — Sa isang viral post ng isang satire page, ayon daw sa Bangko Sentral ng Pilipinas, mawawalan umano ng value ang laman ng iyong GCash kapag sinubukan mong tupiin ang iyong smartphone. Ito’y walang basehan, at walang makikita o mahahanap na pahayag galing sa BSP tungkol sa claim. Bagama’t may mga smartphones na maaaring tupiin katulad ng Samsung Galaxy Z Flip, kung mayroon itong GCash at tinupi mo ito, hindi mawawalan ng halaga ang laman nito.

Ano nga ba ang satire?


Ayon sa Merriam-Webster dictionary, ang satire ay isang paraan ng paggamit ng humor o katatawanan para maipakita ang kahinaan ng isang tao, gobyerno, lipunan, at iba pa. (Assortedge, 2016). Kaya kung susumahin, hindi dapat tinatangkilik bilang balita ang ganitong uri ng mga post, at hindi dapat tignan bilang pagkukunan ng credible o makatotohanan na impormasyon. Ugaliing manaliksik upang hindi mabitag sa ganitong uri ng mga post. 

Kung maaalala, makikita natin na ang layon ng post ay ihalintulad sa isa pang nag-viral na post sa social media kung saan ay hindi umano tinatanggap ang mga polymer bills na may tupi na in-issue ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang aming naunang PakChek hinggil dito: FALSE: Bagong P1,000 polymer bill, hindi tinatanggap sa SM Supermalls kapag may tupi?

Pahayag ng BSP


Sa isang press release na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas, pinayuhan nito ang mga retailers at mga bangko na tanggapin ang mga may tuping banknotes, mapa-polymer man ito o papel. Iginiit rin ng BSP na maaari pa ring gamitin ang mga ito sa ating pang-araw-araw na mga transaksyon.

Ano ang sinasabi ng batas?


Ayon sa Presidential Decree 247, ipinagbabawal ang pagsira, pagpunit, o bahagyang pagsunog  sa ating pera sa anumang paraan dahil ginagawa itong hindi karapat-dapat para sa sirkulasyon na nagpapaikli rin sa buhay nito.

Paano nga ba gumagana ang GCash?


Ang GCash ay isang mobile wallet na maaaring i-install sa ating mga smartphone at maaaring gamitin sa pagbabayad ng bills, ipangbili, at magpadala at tumanggap ng pera nasaan ka man sa bansa.

Dahil isa itong application na nasa software ng iyong smartphone, tupiin mo man o masira ito, mananatiling intact ang iyong pera sa GCash.

Ngunit isang paalala, ‘wag nating subukang tupiin ang ating smartphones kung ito ay hindi foldable. 


SOURCES


[1] https://www.facebook.com/PhDailySun/posts/162384689680155/
[2]https://newsinfo.inquirer.net/1626086/social-media-post-on-rejected-p1000-polymer-banknote-goes-viral
[3] https://www.bsp.gov.ph/SitePages/MediaAndResearch/MediaDisp.aspx?ItemId=6362
[4] https://www.facebook.com/smsupermalls/posts/5333847079994813
[5] https://www.facebook.com/assortedge/posts/904867902972805
[6] https://www.officialgazette.gov.ph/1973/07/18/presidential-decree-no-247-s-1973/
[7] https://www.globe.com.ph/go/technology/article/gcash-everything-you-need-to-know.html#gref

Rose Joy

Mar 20, 2024 06:04 pm

Walang mahahanap o makikita na pahayag mula sa BSP na ayon sa claim

Aaron

Mar 25, 2023 07:38 am

maraming phones ngayon ang pwede ng matupi at mabasa pero karamihan sa mga kabataan ngayon ang kanilang mga cellphone ay hindi di tupi at kahit subukan man nila itong itupi ay sigurado akong di mawawalan ng halaga ang mga gcash nila

Jerwin

Mar 30, 2023 11:43 pm

Natatawa ako haha, pati ba naman e wallet mamawalan ng halaga ang pera kapag tinupi, pero I know its a sattire post lang.

Rhea ann

Jun 03, 2023 04:39 pm

bat naman

Jade

Jun 07, 2023 11:23 am

Walang basehan o fakenews lang ang tinutukoy ng isang post sa social media na mawawalan daw ng halaga ang gcash kapag tinupi ang phone ano ba naman klaseng fakenews yan na kahit walang source eh mapapatunayan natin na hindi totoo dahil hindi naman ito makaka apekto sa laman ng ating Gcash

Page 1 of 7.8


eboto.ph