ACCURATE: Pamilyang Marcos, nagpa-party raw para sa 93rd birthday ni Imelda sa Malacanang Palace?

July 15, 2022



Bagamat walang opisyal na pahayag ang Palasyo tungkol sa 93rd birthday celebration ni Imelda na ayon kay Sen. Imee Marcos ay isang ‘simpleng merienda’ lamang. Subalit, maraming posts ang kumalat online na nagpapakita ng tila ay isang “magarbong” selebrasyon base sa mga larawang galing mismo sa mga lumahok sa pagdiriwang at mga news organizations. Noong July 2, nagdiwang ang pamilyang Marcos at mga bisita ng kaarawan ni former first lady Imelda Marcos. Ito ay ginanap sa Malacanang Palace.

Ayon kay Imee Marcos, simpleng merienda lamang ang naging handa sa kaarawan ng kanyang nanay na si Imelda. Ayon dito: “Nag-merienda lang. Syempre yung nanay ko 93 na, ang tanda na. Kapag sinabing party, parang yugyugan. Hindi ganon kasi they’re also ancient. Yes, we had a get-together, very simple merienda with a small group of old friends and scholars…” 

Ngunit base sa mga kumakalat na mga litrato ng selebrasyon na naibalita ng mga verified news sites, may mga netizens naman na nagsaad ng kanilang mga saloobin na hindi tunay na ‘simpleng merienda’ lamang ang naging birthday ni Imelda. Mayroon ding mga kumakalat na imahe ng magarbong menu sa selebrasyon at video ng mga party goers na sumasayaw at nakasuot ng mga magarang damit. 

Sa kabila ng mga pambabatikos mula sa netizens, isinaad ng Office of the Press Secretary (OPS) na “We will only be releasing statements on issues where public interest/welfare is involved.” Ayon din kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang mga selebrasyon sa Malacanang ay hindi gumagamit ng government funds.

Malacanang parties ni Bongbong Marcos

Hindi ito ang unang beses ng paglitaw ng kritisismo hinggil sa mga selebrasyon sa Malacanang. Noong inauguration ni Pres. Bongbong Marcos, nagkaroon ng isang dinner celebration kung saan isang espesyal na gold medallion na naging usapan rin sa social media. Ayon sa isang kolumnista, ang pagbibigay ng isang inaugural na medalyang ito ay parte na ng ating kasaysayan at naging tradisyon para ipagdiwang ang tagumpay ng isang panalo sa eleksyon. 

Malacanang parties ni Ferdinand Marcos

Ang pamilyang Marcos naman ay hindi estranghero sa mga magarbong selebrasyon. Halimbawa, noong 1986, mayroong nilabas na mga home videos na nagpapakita ng mga iba’t-ibang okasyon kung saan nagdiriwang ang mga Marcos kasama ang kanilang mga kaibigan at mga bisita. Dito pinapakita ang kanilang maluhong pamumuhay kung saan maraming Pilipino na nakakita nito ay nabigla at hindi makapaniwala. 

Marahil makikita na mukhang walang nag-iba sa kasalukuyang panahon sa nakaraan ng magarbong pamumuhay ng mga Marcos kahit man sa kabila nito ay patuloy na tumataas ang presyo ng bilihin at pamumuhay ng isang ordinaryong Pilipino.


SOURCES
[1] https://www.youtube.com/watch?v=Sd0jkSh5EWE 
[2] https://www.facebook.com/PhilippineSTAR/posts/2767490690071261 
[3] https://philstarlife.com/news-and-views/757547-look-inside-imelda-marcos-93rd-birthday-malacanang-palace?page=2 
[4] https://news.tv5.com.ph/breaking/read/happy-93th-imee-slammed-for-simple-merienda-quip-on-imeldas-birthday-bash-at-malacanang 
[5] https://businessmirror.com.ph/2022/07/03/palace-mum-on-details-of-imeldas-93rd-birthday-bash-at-palace/ 
[6] https://news.abs-cbn.com/news/07/04/22/marcos-to-adhere-to-the-law-when-throwing-parties-in-malacaang-aide
[7] https://interaksyon.philstar.com/hobbies-interests/2022/07/05/221339/bongbong-marcos-inaugural-medal-tradition-history-explainer/ 
[8] https://www.washingtonpost.com/archive/lifestyle/1986/03/12/the-marcos-life-on-tape/fa263119-6cc1-4de9-b1b4-6374acf47767/ 
[9] https://www.latimes.com/archives/la-xpm-1986-03-11-mn-3131-story.html 
[10] https://business.inquirer.net/352186/inflation-for-june-2022-hits-three-year-high-6-1-percent-psa 

Aaron

May 29, 2023 09:58 pm

Kung sariling pera naman nila ang kanilang ginastos satingin ko ay ayos lang iyon

Jade

Jun 07, 2023 12:07 pm

Totoo ang balitang ito pero wala namang problema kung sariling pera nila ang gamit at hindi ang pera ng taong bayan dahil lahat naman tayo ay kailangan at may karapatan na mag libang paminsan minsan at mag saya kaya satingin ko ay ayos lang ito

Naitan

Jun 26, 2023 09:54 pm

wala namang masama kung mag pa party sila dahil iyon ay kaarawan naman at napaka importante ng bday sating lahat diba tyka wala din sigurong masama kung sa malacanang ito ginanap dahil minsan lamang iyon at presidente naman si BBM bastat wag aabusuhin ang mga gantong gawain

Aaron

Nov 01, 2023 12:19 am

ayos lang naman po ito dahil kaarawan nya naman at hindi ina abuso ang kanilang kapangyarihan sa Malacanang dahil lahat naman tayo ay kailangan ding mag pahinga minsan basta natapos na natin ang ating tungkulin

Jemma

Nov 03, 2023 03:25 pm

Wala namang masama dito dahil bilang asawa ng Presidente dahil sa Malacanang naman sila nakatira ngayon at minsan lamang ito basta sariling pera ang kanilang ipang hahanda at hindi pera ng Taong Bayan

Page 1 of 6.6


eboto.ph