
Totoong nakapagbigay ng libreng edukasyon sa humigit kumulang na 1.6-million college students ang kasalukuyang administrasyon mula nang nilagdaan ang Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA).
Sa katunayan, ibinalita ng Philippine News Agency ang pahayag ni Chairman J. Prospero de Vera III na kung isasama sa bilang ang mga skolar sa DOST at iba pang programa, aabutin ang mga estudyante ng 2-million.
Ayon sa Rappler, tinutulan ng economic advisers ng administrasyon ang pagpapatupad ng free tuition fee law. Pahayag naman ng ABS-CBN News na sinabi ni former Budget Secretary Benjamin Diokno na nasa P100 billion ang kailangan na pondo kada taon para dito.
Ilan ang budget na naibigay sa Commission on Higher Education (CHED) noong 2017?
Ayon sa Rappler, nabigyan ng P8.3 billion ang CHED para sa strategic at maayos na pagpapatupad ng Republic Act No. 10931 ukol sa Joint Memorandum Circular. Ngunit, kumpara sa inilabas na report ng Department of Budget and Management na P3.350-trillion, masyading maliit ang budget na ito para sa maraming mag-aaral sa SUCs.
Kaya naman ibinahagi ng Inquirer ang pahayag ni former Sen. Bam Aquino, ang principal sponsor at isa sa mga nag co-author ng batas, ang sagot nito sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte, "I wish to thank the President for signing the free college tuition into law. Congratulations to my fellow lawmakers and everyone who supported this policy."
Paano naipa-pasa ang isang batas sa Pilipinas?
Ayon sa Official Gazette, ang Legislative branch ay binubuo ng Senate at House of Representative o mas kilala sa collective term na Congress kung saan gumagawa at nagpapasa ng bills at resolutions para maging isang batas. Ang mga panukalang ipinasa ng Congress ay mapupunta sa Pangulo upang ito ay lagdaan para maging isang batas.
Ano ba ang Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA)?
Ayon sa Official Gazette, ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act o mas kilala sa pangalang 'free tuition fee law' ay naipatupad bilang isang batas ng taong 2017. Layon ng batas na ito na mabigyan ng pantay na oportunidad ang mga Pilipinong mag-aaral sa 112 State Universities and College (SUCs) na magkaroon ng libreng edukasyon sa kolehiyo. Malinaw na nakasaad sa batas na ito ang prayoridad ang mga estudyanteng wala or kulang ang kapasidad na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
SOURCES
[1] https://www.pna.gov.ph/articles/1140715
[2] https://www.rappler.com/nation/178015-duterte-funding-free-tuition-law-state-universities-colleges/
[3] https://news.abs-cbn.com/focus/08/01/17/diokno-govt-cant-shoulder-free-college-tuition
[4] https://www.rappler.com/nation/155562-congress-2017-budget-ched-free-tuition-sucs/
[5] https://ched.gov.ph/wp-content/uploads/2017/10/Joint-Memorandum-Circular-No.-2017-1A-entitled-Amendment-Guidelines-on-the-Grant-of-Free-Tuition-in-State-Universities-and-Colleges-for-Fiscal-Year-2017.pdf
[6] https://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/Our%20Budget/2017/%20Budget.pdf
[7] https://newsinfo.inquirer.net/920310/breaking-senators-hail-dutertes-approval-of-free-tuition-in-sucs/amp
[8] https://www.officialgazette.gov.ph/about/gov/the-legislative-branch/#:~:text=Bills%20are%20laws%20in%20the,garnering%20a%202%2F3rds%20vote
[9] https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2017/08aug/20170803-RA-10931-RRD.pdf
[10] https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2017/08aug/20170803-RA-10931-RRD.pdf
Carlo
Jun 03, 2023 06:38 pm
Totoo na may programang libreng edukasyon ang kasalukuyang administrasyon sa pamamagitan ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Ngunit hindi ito para sa lahat ng college students sa bansa, kundi para sa mga estudyante sa state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs), at technical-vocational schools na accredited ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Ayon sa datos ng Commission on Higher Education (CHED), noong 2019, mayroong 1.3 million na estudyante sa SUCs at LUCs na nakinabang sa programang ito.
Jade
Jun 07, 2023 09:01 pm
Ang batas na ito ay nagpapahalaga sa prayoridad ng mga estudyanteng may kakulangan o walang kakayahang magpatuloy at matapos ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo kaya sobrang laking tulong neto para sa mga kabataang walang wala pero may pangarap dahil dito ay nag karoon sila ng pag asa
Naitan
Jul 15, 2023 10:42 pm
magandang balita ito para sakanila at hindi na sila mahihirapan at mag iisip pa kung saan sila makakakuha ng pera para sakanilang pag aaral dahil karamihan sa mga college students ngayon ay mga working students
Aaron
Oct 31, 2023 08:37 pm
tama malaking tulong po ito para sa ating mga mag aaral sana po ay palaging may pondo ang ating Gobyerno sa Edukasyon
Jemma
Nov 03, 2023 02:38 pm
Sana ay palaging ganto para matuldukan na ang isa sa matagal ng problema ng ating Bansa ang Edukasyon
Page 1 of 7.8