3 sa bawat 10 Filipinos ang nagsabing nakaranas ng pagginhawa ng buhay sa kabila ng pagtaas ng mga bilihin

February 01, 2023



Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado, 3 sa bawat 10 Filipinos (o nasa 34% ng populasyon) ang nagsabing mas maginhawa ang kanilang buhay sa ngayon. Ito ay ayon sa survey report ng Social Weather Stations (SWS). 


Ang tanong sa kanila, ”Kung ikukumpara ang uri ng inyong kasalukuyang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan, masasabi ba niyo na ang uri ng inyong pamumuhay ay…mas mabuti ngayon kaysa noon (‘gainer’), kapareho ng dati, o mas masama ngayon kaysa noon (‘loser’)?


Ang nasabing survey ay isinagawa noong Disyembre 10 at 14, 2022. Parehas na buwan rin nagkaroon ng 8.1% inflation sa bansa. 


Lumabas sa resulta ng SWS na karamihan ng mga tao sa lahat ng rehiyon ay naniniwalang may positibong pagbabago sa kanilang buhay noong last quarter ng 2022. Karamihan sa kanila ay mga nakatira sa Metro Manila, Balance Luzon, at Mindanao.


Ang survey na ito ng SWS ay face-to-face interview sa 1,200 na mga Pilipino sa buong bansa, 300 kada rehiyon. 



References: 

Anne

Mar 24, 2023 06:05 pm

yun po ang mga anak ng mga mayayaman kaya po nila nasabi na sila ay maginhawa noong tumaas ang mga bilihin

Patrick

Mar 25, 2023 07:01 am

sila ay maraming hawak na pera kaya't di sila naapektuhan ng pagtaas ng bilihin

ROSALY ANN

Mar 26, 2023 01:45 am

Minsan kahit gaano ka kadiskarte mauubusan at mauubusan ka din ng paraan kung paano mag budget ng pera lalo na kung minsan talaga kinakapos dahil sa ag taas ng mga bilihin

Mary Ann

Mar 27, 2023 11:21 pm

Ganun naman talaga ang matataas, kapag lumalala ang taas ng bilihin don sila may lakas dahil karamihan sa mga may hawak ng negosyo at trabaho ay ang mga mayayaman

Miguel Enrico

Mar 28, 2023 11:32 am

ang magigin hawa ang buhay kahit mataas ang bilihin ay yung mga taong madiskarte dahil nagagawa nilang ma settled yung mga bagay na kailangan nila kayat handa sila sa mga panahon na mataas ang bilihin

Page 1 of 13.8


eboto.ph