Iniimbestigahan na ngayon ng attached agency ng Department of Agriculture (DA) ang pagbili ng libo-libong farm tractors sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization program noong nakaraang taon.
Ayon kay Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) Director Dionisio Alvindia, nasa 1,346 units ng farm tractors ang nabili ng nakaraang pamunuuan ng PhilMech. Ang bawat traktora ay nagkakahalagang Php 1.298 million kahit na Php 1.2 million lamang ang budget para rito. Samakatuwid, may patong na Php 98,000 kada isa. Kung susumahin, nasa Php 131 million ang dagdag sa gastusin ng PhilMech.
Lumapit na si Director Alvindia sa Department of Budget and Management (DBM) at DA ukol rito. Patuloy na rin ang imbestigasyon sa kasong ito habang wala pa ring komento si Former PhilMech director Baldwin Jallorina.
Bagamat naideliver na ang mga nabiling mga traktora sa mga magsasaka, problema sa ngayon ang pagbabayad dahil sa “technical and gross violation dun sa procurement law” dahil sa overpricing.
Ayon kay Director Alvindia, “Because of the agency’s findings, PHilMech will not pay the contractors as we uncovered an overprice for each four-wheel farm tractor.”
Ang PhilMech ay may Php 5 billion annual budget sa loob ng anim na taon na maaaring gamitin sa pagkuha at pagbahagi ng farm machinery at equipment sa mga magsasaka sa bansa. Ang pondong ito ay kinukuha mula sa RCEF na may annual budget na Php 10 billion sa loob ng anim na taon.
Sa kabila ng iregularidad, nangako ang PhilMech na patuloy pa rin ang pamamahagi ng farm equipment sa ilalim ng RCEF Mechanization Program at suporta sa ilang programa kagaya ng Coconut Farmers and Industry Development Plan.
💬 Ano’ng masasabi mo, ka-eBoto? Share mo na ‘yan sa comment section!
References:
Patrick
Mar 24, 2023 08:49 pm
maganda na may mga traktora na ginagamit ang mga farmers
Mary Ann
Mar 25, 2023 08:23 am
Dapat hindi sinosobrahan sa pricing. Dapat sakto lang.
ROSALY ANN
Mar 26, 2023 01:51 am
Hindi talaga nawawala ang issue ng overpricing pagdating sa Pilipinas
Miguel Enrico
Mar 28, 2023 03:29 pm
makakatulong din yung sakaling tumaas ang bilang ng mga maani bawat taon at kaya nanitong tustussan ang bawat tao sa pilipinas hindi nanatin kailangan mag import at bababa din ang presyo ng bigas
Zoren
Mar 30, 2023 11:27 pm
There should be no over pricing, follow the SRP!
Page 1 of 13.2