THE STRUGGLE IS REAL. 🐟😬
Kulang at sobrang suplay ng produkto sa bansa? Pag-usapan natin ‘yan sa post na ito!
📌 Supply ng sardinas, posible bang magkulang?
Mas mahal na ng 2-4 piso kada piraso ang sardinas. Babala ng Canned Sardines Association of the Philippines, kung magpapatuloy ang paghina ng piso kontra dolyar, posible pang mas magmahal ito dahil mas lalaki ang gastos sa pag-angkat ng lata at tomato sauce. Problema rin ang nagbabadya umanong mababang suplay ng tamban na ginagamit para sa delatang sardinas, ayon sa ulat ng One News PH.
Halos triple pa naman ang supply ng tamban kumpara sa demand, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Ang problema raw ay maaaring magkulang sa supply ng tamban sa mga darating na buwan dahil ang mga barko ng sardine manufacturers ay nahihirapan daw manghuli ng isda.
Tiniyak naman ng BFAR sa mga mamimili nitong Setyembre 8 na may sapat na supply pa ng sardinas ang bansa sa ngayon.
📌 Oversupply ng bawang at repolyo, kasalanan umano ng mga magsasaka?
Sa isang interview, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban na dapat planuhing maigi ng mga magsasaka ang kanilang pagtatanim upang maiwasan ang oversupply. “They plant crops but they don’t think about the market for their harvests,” ayon sa kanya.
Ito ay kasunod ng balitang may oversupply ng 25 toneladang bawang sa Batanes bilang resulta ng pag-iimport at nabawasang bultuhang pagbili ng DA Region 2. Pero aniya, papaigtingin ng DA ang pagtulong sa mga magsasaka upang masigurong may buyers ang mga magsasaka ng kanilang mga ani.
Ayon naman sa Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka legal and policy advocacy officer na si Rene Cerilla, dapat bawasan ang pag-iimport lalo na kung may available na suplay naman sa bansa.
💬 Mula sa mahal na sardinas at oversupply ng bawang, tila patuloy ang problema sa suplay at demand ng ilang produkto sa bansa. Ka-eBoto, ano pang challenges ang nararanasan mo bilang mamimili? Share mo na ‘yan sa comment section! ⬇️
References:
Anne
Mar 24, 2023 05:23 pm
hindi po dahil madami naman tayong isda sa dagat
Patrick
Mar 24, 2023 07:01 pm
hindi dahil malawak ang karagatan kaya't kahit saang karagatan ay makakakuha tayo ng isda
Jerwin
Mar 25, 2023 02:10 am
Sa ngayon parang hindi nababantayan masyado ang supply at demand ng produkto sa bansa kaya maraming tao ang nahihirapan dahil sa pagtaas ng bilihin , sa mga magsasaka naman ay nagiging oversupply sila kaya bumababa ang presyo ng mga produkto na to at marahil sila ay magiging lugi.
Mary Ann
Mar 25, 2023 08:20 am
May inflation nanaman na magaganap dahil dyan.
Miguel Enrico
Mar 28, 2023 02:20 pm
kung ganun talaga tataas pero asahan natin na magbabago din yun
Page 1 of 14.2