👑 Long Live, Queen Elizabeth II!

September 16, 2022



Sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II at pag-upo ni King Charles III, ano’ng dapat asahan ng mundo? Alamin sa post na ‘to.

👑 Long Live, Queen Elizabeth II! 

Sa edad na 96, pumanaw na ang pinakamatagal na pinuno ng isang monarkiya.

Noong 1952, naging Reyna si Queen Elizabeth II matapos mamatay ang kanyang ama na si King George VI noong Pebrero 1952. 

🤔 Sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II, ano nga bang mangyayari?

Awtomatikong magiging hari si Prince Charles III sa pagpanaw ng kanyang ina. Kikilalanin na siyang King Charles III. Samantala, ang kanyang maybahay naman na si Camilla Parker Bowles ay kikilalanin bilang Queen Consort.

Si King Charles III na ang magiging pinuno ng Estado sa United Kingdom (UK). Siya na rin ang magiging Head of the Commonwealth of Nations, isang grupo kasama ang UK at 53 na iba pang bansa na dating teritoryo ng British Empire. Bagama’t hindi ito namamanang posisyon, siya ang napili ng Commonwealth leaders noong Abril 2018 para sa tungkuling ito.

🏰 Sino na ang susunod na magmamana ng trono? 

Si Prince William ang una na sa linya sa pagmamana ng trono mula sa kanyang ama na si King Charles III. Mamanahin niya rin ang titulo ng kanyang ama na “Duke of Cornwall.” Samantala, ang kanyang kabiyak na si Princess Kate ay magiging “Duchess of Cornwall” na.

Ang susunod sa linya ay ang siyam na taong gulang na anak nina Prince William at Princess Kate na si Prince George.

👑 Sa pag-upo ni King Charles III, ano’ng dapat asahan?

Ang opisyal na koronasyon ni King Charles III ay inaasahan na mangyayari isang taon matapos ang libing ni Queen Elizabeth II. Ito rin ay magiging public holiday sa UK.
Magkakaroon din ng reprinting ng pera upang mailagay ang litrato ng hari. Unti-unti na ring aalisin ang pera na may mukha ni Queen Elizabeth II.

Gagawin na rin ito sa passport, stamps, official uniforms, at iba pang opisyal na dokumento. Papalitan na rin ang pambang awit ng UK sa “God Save the King.”

Inaasahan din na magsasara ng London Stock Exchange sa araw ng libing ni Queen Elizabeth II na maaaring makaapekto sa ekonomiya. Ihihinto rin ang regular programming ng broadcasting agency kaya ng British Broadcasting Corporation upang ma-cover ang ukol sa event na ito.

Bukod rito, inaasahan rin na isususpende muna ang federal Parliament and provincial legislative assemblies.

💬 Ano’ng masasabi mo rito, ka-eBoto? Share mo na ‘yan sa comment section!

References: 

Patrick

Mar 24, 2023 07:11 pm

sana ay di maapektuhan ang ekonomiya,rest in peace Queen Elizabeth.

Anne

Mar 24, 2023 07:12 pm

sana ay hindi maapektuhan ang kanilang bansa sana ay maging mas maayos ang bansa nila, rip Queen Elizabeth

Jerwin

Mar 25, 2023 02:21 am

Maging maayos sana ang pamamahala ng papalit kay Queen Elizabeth II

Miguel Enrico

Mar 28, 2023 02:12 pm

sana walang magbabago at kung may magbabago man sana makakatulong sa buong mundo

Aaron

Mar 30, 2023 10:17 pm

nakakalungkot ang balitang ito sana ay di ma apektuhan ang kanilang bansa sa pangyayaring ito

Page 1 of 13


eboto.ph