💦 Ano ang Project NOAH?

November 03, 2022



💦 Ano ang Project NOAH? 

✔️ Ang Project NOAH (o Nationwide Operational Assessment of Hazards) ay naglalayong matulungan ang bansa sa usapin ng pamamahala sa panganib ng kalamidad at climate change. Kasama na rin dito ang research, development at extension services.

✔️ Ito ay nabuo noong Hulyo 2012 sa panawagan ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III para sa isang mas tiyak, buo, at mabilis na sistema ng pag-iwas at pagpapagaan ng epekto ng sakuna.

✔️ Ito ay nagbibigay ng kritikal na impormasyon kaugnay sa disaster prevention gamit ang near real-time weather data, flood at landslide hazard maps, storm surge maps, at pagpinpoint sa local critical facilities.

✔️ Ayon kay Dr. Mahar Lagmay, mula 1986 hanggang 2012, umabot ng 1,250 ang average yearly deaths dahil sa kalamidad. Noong 2014, nasa 250 na lamang ito.

😧 Bakit nawala ang Project NOAH? 

Bagamat nakatanggap ang proyektong ito ng samu’t saring pagkilala sa Pilipinas at sa ibang bansa, napagpasyahang hindi na ito pondohan ng gobyerno noong Enero 2017 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte. Hindi rin naaprubahan ang kanilang proposal na magkaroon ng municipal risk assessment sa buong bansa.

Ayon sa dating kalihim ng Department of Science and Technology (DOST) na si Fortunato dela Peña, natapos na ang “deliverables” ng Project NOAH.

🤔 Ano’ng nangyari sa Project NOAH?

Noong Pebrero 2017, in-adopt ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang pag-implement ng proyektong ito at tinawag itong UP NOAH Center (http://noah.up.edu.ph/). Bagamat pinopondohan pa rin sila ng gobyerno sa pamamagitan ng UP, hindi na kabahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Project NOAH.

Si Dr. Mahar Lagmay ang nagsisilbing executive director nito sa ngayon. Sa pagkawala ng Project NOAH sa NDRRMC, hindi na rin sila nakakapagbigay ng “hazard-specific, area-focused and time-bound” na mga impormasyon sa NDRRMC sa barangay level. Wala na ring acess upang makapag-provide ng real-time rainfall level.

🌀 Ano’ng nangyari sa paghagupit ng Bagyong Paeng?

Ngayong Nobyembre 2, lagpas 100 na ang naireport na bilang ng mga namamatay dahil sa bagyo. Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Bangsmoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Western Visayas.

Bukod sa flood forecasting, nais rin ng Pangulo na magkaroon ng tree planing para makontrol ang pagbaha, particular na sa Mindanao. Sabi ni PBBM, “Noong nasa helicopter kami ni [Maguindanao Governor] Bai Mariam [Mangudadatu], na-notice ko lahat ng gumuho kalbo ang bundok. That’s the problem.”

Dagdag ni PBBM, “Let’s study it further, Sec. Solidum, and we’ll find what we can do para mas maging accurate ang mga forecast natin especially sa flooding [so that our forecasts can be more accurate especially in flooding] because that seems to be the problem now.”

⏰ Panahon na ba upang ibalik ang Project NOAH sa ilalim ng gobyerno?

Ayon kay Minister Naguib Sinarimbo ng Bangsamoro, ang landslide at phenomenon sa BARMM ay “new phenomenon” sa kanilang lugar. Makakatulong sana ang Project NOAH upang makapagbigay ng mas accurate prediction at geohazard map. 

Ang pagpapanumbalik ng Project NOAH sa ilalim ng NDRRMC ay depende sa administrasyong Marcos. Gayunpaman, sila ay handang tumulong. Ani Dr. Lagmay, “We are here, ready to help the government and ready to help the country.”

References:

Mary Ann

Mar 24, 2023 12:31 pm

Ibalik at isakatuparan ang ganyang batas hindi yung kung ano anong batas ang pinapatupad na wala namang kinalaman sa mga mayroonv malulubhang epekto sa Pilipinas.

KRISTA MAE

Mar 24, 2023 01:29 pm

Ganitong batas dapat ang ipinapatupad.

Anne

Mar 24, 2023 05:06 pm

dapat ibalik na ang mga batas noon kaysa sa ngayon na walang kwenta ang mga ipinatutupad nila na batas

Patrick

Mar 24, 2023 05:20 pm

dapat ipinatutupad ang ganitong batas

Patrick

Mar 24, 2023 05:20 pm

dapat ipinatutupad ang ganitong batas

Page 1 of 15.2


eboto.ph